Sunday, August 30, 2009

Espacio limitado

One of the dog-pets just died, "..multiple organ failure.." said my brother Doctor (M.D.) who happened to pass by para lang mag-good-bye sa aming parents na pa-Bikol (mga isang buwan) in time for Peñafrancia.

Buti hindi na humagulgol ang isang pamangkin na napaka-mapagmahal sa animals (dogs & cats). Kumbaga'y na-condition na sa ilang linggo na ring illness ng dog. Biglang lumaki ang tyan habang nakakulong sa kanyang dog-house. Tinitiis kasing dumumi (& umihi) kapag nakakulong. Mas gusto pa niyang maghanap ng malulusutan sa bakal na kulungan. Ayaw niyang kinukulong (eh sino bang gustong makulong?:)). Kahit na nga bakal ang kulungan at makailang ulit nang gawan ng paraan para di na malusutan nung aso e nagagawa pa ring makahanap ng lusutan. Lalo na pag may putukan sa paligid. Naku! asahan mong maya-maya pa'y ala na yun sa kulungan at nagtatago na sa likod-bahay.

Kanina nga, nang ma-deds, pinrublema namin kung saan ililibing. Eh sementado ang compound! Dati meron pang isang 4x10 metro na mala-backyard garden kaya't walang problem. Ang hirap maghanap! Way back in the '80s nga eh ang kaunti pa ng bahayan sa paligid, as in kahit saan mo isiping ilibing ang iyong dogs eh makapili ka anywhere... hanggang sa naisip namin eh dun na lang ulit sa dating pinaglibingan sa isa pang pet dog around two years ago? sa mahabang flower-pot sa gilid ng windows ng main-house na siya mo na lang makikitaan ng part na may lupa sa compound. "Sa isang side naman kami maghuhukay..." sabi namin.

Naghukay kami hanggang maka-three feet na ang lalim. Aba'y di na kayang lalim-laliman pa't medyo adobe na ang ilalim, matigas na! Nakakahapong ordeal! Nakakasugat ng daliri (sa gasgas sa pader) at nakabasag pa kami ng isang window jalousie:) Okey lang! maluwag sa aming damdaming nalinis agad namin ang labing naiwan ng isa sa pet-dogs! Eksaktong pumabor sa rekwes nung isang kwelang Heswitang Bishop sa channel 5 -- aniya, "...gumawa kayo ng isang mabuting gawa ngayong linggo..." or someting to that effect!

Until then....