Thursday, September 3, 2009

Eksayting?

As days pass by, maraming eksena ang unti-unting lumalabas... sa t.v., sa radyo, sa dyaryo, sa internet, saan pa ba?... sa kalye, sa palengke...

Umatras na si Mar, at si Kiko ready daw magpaubaya... si Meyor Binay umatras na rin... para magparaya kay Erap... eh si Erap, handa kayang magparaya? sila Loren & Chiz? eh si Villar? papayag kaya si sinta nyang si Cynthia??...

Susuporta raw sila Among Ed & Gob. Padaca kay Noynoy if ever. Eh si Brother Ed? di raw apektado ng desisyon ng LP yung sariling plano ng Bangon Pilipinas... eh di ba't nag-bak-awt na rin si Brother Mike?

Si Noli naman, reluctant pa raw.. magbak-awt kaya? eh feeling nya'y all-out sa kanya si GMA eh..

Sa kabila ng mga ito, halos araw-araw na naman ang pagtaas ng presyo ng basic goods -- oil, lpg, mga delata, mga mahirap ma-avail ng common-tao... haaay!! marami nang mga tao na di makakain 3-beses sa isang araw, wala pa ring paki ang mga insensitib!!

Let's see....